-- Advertisements --

Unti-unti nang lumalabas sa kalupaan ng Luzon ang typhoon Tisoy, matapos ang tatlong landfall sa Bicol at Southern Tagalog area.

Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 110 km sa hilagang kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.

May taglay itong lakas ng hangin na 130 kph at may pagbugsong 200 kph.

Kumikilos ang typhoon Tisoy nang pakanluran sa bilis na 25 kph.

SIGNAL NO. 3:
Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island at Batangas

SIGNAL NO. 2:
Romblon, Camarines Norte, Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Islands, Zambales, Marinduque, Cavite, Laguna, northern portion ng Camarines Sur, southern Nueva Ecija, southern Aurora at Calamian Islands

SIGNAL NO. 1:
Southern portion ng Quirino, natitirang bahagi ng Aurora, northern portion ng Palawan, nalalabing parte ng Camarines Sur, Cuyo Islands, Pangasinan, southern portion ng Nueva Vizcaya, Burias Island, bahagi ng Nueva Ecija, Northen Aklan at northern Antique

Inirekomenda naman ng Pagasa na ituloy na ang mga laro ng SEA Games bukas, kung isyu sa lagay ng panahon ang pag-uusapan.

Pero may reserbasyon pa raw sila para sa water events, dahil malalaki pa rin ang alon sa karagatan.