TUGUEGARAO CITY – Hindi madaanan ang ilang mga kalsada sa Kalinga dahil sa pagguho ng lupa at bato bunsod ng pag-ulang dala ng amihan at Bagyong Tisoy.
Ayon kay Engr. Samuel Paoiton ng Upper Kalinga District Engineering Office, pansamantalang isinara sa mga motorista ang lansangan sa Mabongis Section, Bugnay, Tinglayan, dahil sa 20 meters na taas ng landslide.
Limang kalsada naman ang one lane passable lang dahil sa rockslide sa bayan ng Pasil at Balbalan.
Sinabi ni Paui na ngayong araw pa isasagawa ang clearing operation sa mga apektadong lansangan dahil sa kakulangan ng kagamitan tulad ng blasting materials.
Hindi na rin madaanan ang tatlong tulay sa probinsiya ng Isabela partikular ang Baculod overflow bridge sa Ilagan, Sta. Maria to Cabagan overflow bridge at santa Tomas overflow bridge maging ang tawi overflow bridge sa bayan ng Peñablanca, at Abusag overflow bridge sa bayan ng Baggao sa Cagayan.
Bukod dito, hindi na rin madaanan ang Pinacanauan Nat tuguegarao dahil sa pag-apaw ng tubig
Samantala, nagsuspinde ng klase ang Cagayan State University sa lahat ng kanilang campuses maging sa lahat ng antas sa Conner, Apayao dahil sa malalakas na ulan.