-- Advertisements --
Paul Tindugan Kobe bryant
Paul Tindugan tribute on the Black Mamba

LEGAZPI CITY – Trending ngayon sa social media ang ginawang tissue paper art ng isang artist sa Catanduanes bilang tribute sa namaalam na basketball legend na si Kobe Bryant.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa artist na si Paul Tindungan ang lider ng grupong Catanduanes Artistic Minds and Outstanding Talents (CAMOT), agad niyang sinimulan ang paggawa ng obra matapos na malaman na namaalam na ang iniidolong basketbolista.

Ayon kay Tindungan, hindi gaya ng ibang drawing sa tissue paper, inabot lang ng nasa isang oras ang kanyang paggawa dahil talagang inspirado sa pagbibigay ng tribute sa NBA superstar.

Dagdag pa ng artist na malaking kawalan ang kilalang basketball player na matagal na niyang iniidolo hindi lang sa galing sa paglaro kundi sa pagiging mabuting tao.

Maaalala na unang nakilala si Tindungan matapos na mag-trending ang kaniyang drawing ng mukha ni Eddie Garcia at Mayor Isko Moreno sa tissue paper ng mga kilalang fast food chains.

Eddie Gracia Mayor isko Paul tindugan
Paul Tindugan on Eddie Gracia and Mayor Isko Moreno