-- Advertisements --
Pumanaw na ang Bristish actor na si Bernard Hill sa edad na 79.
Kinumpirma ito ng kaniyang mga kaanak subalit hindi na nagbigay ng ibang detalye ng kamatayan nito.
Nakilala ang actor bilang supporting role sa pelikulang “Titanic” at “The Lord of the Rings” Trilogy.
Taong 1982 ng bumida siya sa pelikulang “Boys from the Blackstuff” isang drama tungkol sa lalaking walang trabaho.
Dumating ang 1997 ng kinuha siya ng director na si James Cameron sa pelikulang “Titanic” kung saan gumanap ito bilang si Captain Edward Smith ang kapitan ng barko.
Ilan sa mga pelikula kung saan ito gumanap ay ang mga pelikulang “Gandhi”, “Shirley Valentine” at “The Scorpion King”.