-- Advertisements --

Itinanggi ni dating senador Vicente Tito Sotto na natanggap at nabasa nito ang script ng pelikula ni Darryl Yap na “The Rapist of Pepsi Paloma”.

Ayon kay Sotto na walang katotohanan ang sinabi ng abogado ni Yap na si Atty.Raymond Fortun na ibinigay nila sa kaniyang kapatid na si Vic del Rosario ang script.

Si Vic Del Rosario ang nagtaguyod ng Viva Films kung saan siya rin ang gumawa sa pelikula ni Yap na “Maid in Malacanang”.

Magugunitang kinasuhan ng actor na si Vic Sotto si Yap matapos na mabanggit ang pangalan nito sa bahagi ng nasabing pelikula.