-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis kaugnay sa pananambang sa guro at mister nito sa Purok Dos, Barangay Molacaboc, Sagay City, Negros Occidental.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Col Albert Sy, hepe ng Sagay City Police Station, kinilala ang mga biktimang sini Melanie at Emerlito Desamparado, parehong 37-anyos.

Ayon kay Sy, sinundo ni Emerlito ang asawa nito sa pier na nanggaling sa paaralan na tinatrabahuan nito nang sila ay tinambangan kung saan binaril si Emerlito sa likuran ng kanyang ulo.

Nakayakap pa sa kanya si Melanie na binaril din ng mga suspect at natamaan sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan.

Agad namang binawian ng buhay ang mag-asawa.

Sa ngayon mayroong tatlong persons of interest ang Sagay City Police Station at subject for paraffin test ngunit wala pa silang witness.