-- Advertisements --
Nananatili ang tiwala ni Sen. Pia Cayetano sa mga aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isyu sa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi ni Cayetano, kasunod ng pagbanggit ng chief executive sa naturang usapin sa mismong State of the Nation Address (SONA) nito kahapon.
Ayon sa senadora, batid niyang sensetibong paksa ang agawan ng teritoryo kaya nauunawaan nilang mga mambabatas kung hindi mailahad ng presidente ang bawat hakbang sa isyung ito.
Bilang kaalyado, naniniwala si Cayetano na hindi pababayaan ng Pangulong Duterte na tuluyang mapunta sa ibang bansa ang anumang pag-aari ng mga Filipino.