-- Advertisements --
ILOILO CITY – Pahiyain at saktan ang karapat-dapat sa mga tiwaling miyembro ng gobyerno.
Ito ang pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte sa 25th National Federation of Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) kagab-i sa Iloilo Convention Center.
Aniya, kailangan na mayroong law and order ang bansa at mapatigil ang graft and corruption sa gobyerno dahil magiging kaawa-awa ang bansa kung patuloy pa rin ang korapsyon, droga at terorismo.
Inamin din ng Presidente na pagod na siya pero hindi na idinetalye pa kung ano ang ibig niyang sabihin.
Muling ipinaala ni Duterte sa publiko na isumbong sa Malacanang ang sino mang myembro ng gobyerno na sangkot sa korapsyon sa bansa.