-- Advertisements --
Nagtala ng panibagong record ang singer na si TJ Monterde.
Siya na ngayon ang itinuturing na most streamed Filipino artist ng Spotify.
Natamo nito ang record matapos ang tatlong araw na sold-out concert nito sa Araneta Coliseum noong nakaraang linggo.
Ayon sa Spotify na mayroong isang bilyon na beses na pinakinggan ang kanta nitong “Palagi”.
Itinuturing ng 35-anyos na singer na ito na ang pinakamagandang achievement sa kaniyang career.
Ikinasal si TJ sa kapwa singer na si KZ Tandingan noong Agosto 2020.