-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binigyang-parangal ng Bombo Radyo Philippines ang mga Bombo Radyo at Star FM station kasabay ng Fellowship Night ng Top Level Management Conference (TLMC) 2020 ng network.

Ang TLMC 2020 ay may temang “In Step with Digital Technology” kung saan ang Fellowship Night ay isinagawa sa Plazuela de Iloilo.

Kabilang sa Top 5 highest producers o mayroong pinakamaraming successful blood donors sa Dugong Bombo 2019 ay ang Star FM at Bombo Radyo Roxas, Bombo Radyo Vigan, Star FM Manila, Bombo Radyo Cauayan, Bombo Radyo at Star FM Iloilo at Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Kinilala rin ang mga Bombo Radyo at Star FM programs na nakakuha ng parangal mula sa award-giving bodies na kinabibilangan ng:

Bombo Lifestyle ng Bombo Radyo Iloilo na kinilala bilang Radio Public Service Program sa 27th Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) Golden Dove Awards

Bombo News and Views Morning Edition ng Bombo Radyo Cagayan de Oro bilang Best Newscast Provincial sa 27th KBP Golden Dove Awards

Mother’s Day Feature Story ng Star FM Manila bilang Best Documentary Program sa 27th KBP Golden Dove Awards

Bombo Lifestyle ng Bombo Radyo Iloilo bilang Best Educational Program sa 41st Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Jueves Santo Feature Story ng Star FM Davao bilang Best News Feature sa 41st CMMA.

Genesis ng Star FM Manila bilang Best Drama Program sa 41st CMMA.

Tumanggap naman ng special award ang viral video ng Bombo Radyo La Union hinggil sa Filipino surfer na sumagip sa kalabang Indonesian sa South East Asian Games na may 6.8 million views.

Kinilala rin ang mga istasyon na nahigitan ang collection quota na kinabibilangan ng Bombo Radyo Roxas, Bombo Radyo Cauayan, Bombo Radyo Cagayan de Oro, Bombo Radyo Iloilo, Star FM Dagupan at Bombo Radyo Vigan.

Maliban sa cash incentives, may trip to Japan ang dalawang empleyado mula sa Bombo Radyo at Star FM Station na nakahigit sa collection quota.