-- Advertisements --

Nakabalik na sa Pilipinas si TNT Tropang Giga guard Mikey Willams.

Sa kaniyang social media ay nagpost ang 6-foot-2 NBA D-League player na ito ay nasa bansa na.

Tatanggap kasi ito ng mga parangal sa PBA Press Corp Awards gaya ng The Scoring Championship, Member of the All-Rookie Team at Order of Merit.

Hindi naman nito kinumpirma kung muli itong pumirma ng bagong kontrata sa TNT.

Sinabi naman in TNT Team manager Jojo Lastimosa na patuloy nilang inaayos ang detalye ng pagpapalawig ng kaniyang kontrata.