-- Advertisements --

Nananatiling wala pang panalo ang Rain or Shine Elasto Painters sa semifinals ng 2024 PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na muling talunin sila ng TNT Tropang Giga 108-91 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Dahil dito ay hawak na ng Tropang Giga ang 2-0 na kalamangan sa kanilang best of seven semifinals.

Sa pagtatapos ng first half ay lamang ng tatlong puntos ang Tropang Giga ng bigla silang umarangkada 55-44 sa pagpasok ng second half.

Bumida sa panalo ng TNT ang import na si import Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 23 points at walong rebounds habang mayroong 18 points at 14 na rebounds si Calvin Oftana.