-- Advertisements --
Hawak na ng TNT Tropang Giga ang 2-0 na kalamangan matapos ilampaso ang Barangay Ginebra 96-84 sa kanilang best- of-seven Finals ng PBA Governors Cup.
Bumida sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 37 points, 13 rebounds , pitong assists, isang steal at isang block sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nag-ambag naman ng 13 points at 14 rebounds si Calvin Oftana, habang mayroong 13 points si Glenn Khobuntin.
Ikinatuwa naman ni TNT head coach Chot Reyes ang panalo nila dahil sa walang sinayang na oportunidad ang kaniyang mga manlalaro para maipanalo ang laro.
Nalimitahan lamang sa 19 points si Justin Brownlee habang mayroong 18 points si Scottie Thompson at tig-11 points sina Stephen Holt at Japeth Aguilar para sa Gins.