Hawak na ng TNT Tropang Giga ang 2-1 na kalamangan sa best of seven PBA Season Commissioner’s Cup Finals.
Ito ay matapos na talunin ang Barangay Ginebra 87-85 sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.
Naging tabla sa 82 ang score sa natitirang isang minuto ng maipasok ni Rey Nambatac ang kaniyang three-points para makamit ang tatlong puntos na kalamangan ng TNT sa natitirang 30-segundo ng laro.
Nagtala ng crucial turnover si RJ Abarrientos ang bola kaya nakuha ni Glen Khonbuntin at mapalawig ng limang puntos ng TNT ang kanilang kalamangan sa natitirang 13 segundo.
Nabuhay pa ang tsansa ng Ginebra ng maipasok ni Scottie Thompson ang three-points subalit hindi na nila napigilan ang TNT para tapusin ang laro.
Sinamantala ng TNT ang pagkawala ni Justin Brownlee matapos na magtamo ng injury sa kaniyang kanang kamay.
Nangyari ang injury sa natitirang 6:42 sa third quarter at hindi na bumalik sa laro.