-- Advertisements --
SMB VS ROS
SMB VS ROS/ PBA IMAGE

Pasok na sa finals ng PBA Commissioner’s Cup matapos talunin ang Rain or Shine 98-95.

Bumida sa panalo ng Beermen ang kanilang import na si Chris McCullough na nagtala ng 35 points, 18 rebounds at limang blocks para maitala ang tatlong panalo ng Beermen habang isang panalo naman sa Painters sa kanilang best of five semifinals.

Nag-ambag naman ng 21 points si Alex Cabagnot habang mayroong 19 points, pitong rebounds si June Mar Fajardo.

Tinarget ni James Yap na madala sa overtime ang laro subalit hindi pumasok ang kaniyang three points sa huling segundo ng laro.

Ikinatuwa ni Beermen coach Leo Austria ang pagbabalik nila sa finals lalo na at makakaharap nila sa best of seven ang TNT KaTropa.

Tinalo kasi ng Beermen ang TNT sa game six Commissioner’s Cup noong 2017.

Isang malaking hamon ang pagpasok ng Beermen sa finals dahil sa umpisa ng conference ay mayroon lamang silang dalawang panalo at limang tao.

Pinangunahan naman ni Carl Montgomery ang Rain or Shine na mayroong 18 points at 17 rebounds habang mayroong tig-15 points sina Ed Daquioag at Rey Nambatac.