Nakumpleto na ang koponan na pasok sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos na talunin ng TNT Tropang Giga ang Phoenix Super LPG Fuel Master 116-96 .
Mayroon na silang limang panalo at anim na talo kung saan susunod na makakaharap nila ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa susunod na round para sa twice to beat advantage.
Bumida sa panalo ng TNT si Rahlir Hollis-Jefferson na nagtala ng 35 points at 11 assits.
Nag-ambag naman ng 19 points si Calvin Offtana habang mayroong 18 points si Kim Aurin at 14 points naman si Brian Heruela.
Sinab ni TNT coach Jojo Lastimosa na lahat ng mga manlalaro nito ay itinuturing niyang bayani.
Ipinagdiwang din nila ang muling pagbabalik ni Roger Pogoy na mayroong 11 points na ito ang unang laro niya mula ng FIBA Basketball World Cup.