-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para makapasok sa finals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos na talunin ng TNT ang San Miguel Beermen 110-90 para makuha ang 3-2 sa best of seven semifinals sa laro na ginanap sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Mula sa first quarter ay hawak ng TNT ang kalamangan kung saan umabot pa sa 28 points.

Nanguna sa panalo ng TNT si Jayson Castro na nagtala ng 19 points at walong assists habang mayroong 18 points si MIkey Williams.

Nag-ambag naman ng 17 points at walong rebounds si Troy Rosario habang mayroong 12 points si Kelly Williams.

Nasayang naman ang nagawang 23 points at 12 rebounds ni June Mar Fajardo ng Beermen.