-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para tuluyang makapasok sa semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang NLEX 109-91 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa lungsod ng Antipolo.

Bumida sa panalo ng TNT si import Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 27 points at 12 rebounds habang mayroong tig-17 points sina Glenn Khobuntin at Rey Nambatac.

Sinabi ni TNT headcoach Chot Reyes na mula sa simula ay kanilang tinalakay ang bahagyang adjustments sa kanilang depensa.

Umabot pa sa 26 points ang kalamangan ng Tropang Giga sa laro.

Nasayang naman ang nagawang 17 points ni Robbie Herndon habang 16 points at 10 rebounds mula kay import DeQuan Jones.