-- Advertisements --

Nagpasyang magpasok ng bagong import ang TNT na bilang kanilang karagdagang tulong sa kampaniya nito sa darating na PBA Governors’ Cup.

Si forward KJ McDaniels, 26-anyos, ay naging teammate sa Houston Rockets ni Terrence Jones, na itinanghal na Best Import sa 2019 Commissioner’s Cup matapos na maglaro para sa KaTropa.

Limang seasons ang iginugol ni McDaniels sa NBA, kung saan may average ito na 5.3 points at 14.1 minutes sa 148 career games.

Naglaro na rin si McDaniels para sa Philadelphia 76ers at Brooklyn Nets.

Umaasa naman si TNT coaching consultant Mark Dickel na sa paglalaro para sa kanila ni McDaniels, maduduplika o mahihigitan pa ng team ang tagumpay na kanilang nakamit noong kasama pa nila si Jones.