-- Advertisements --

Naitakas ang TNT ang isang 125-120 panalo mula sa dalang panganib ng Columbian Dyip sa laro nitong Sabado ng gabi sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sumandal ang KaTropa sa pinakawalang apat na sunod na puntos ni Jayson Castro at isang tres ni KJ McDaniels upang basagin ang dikit na 113-all tungo sa 121-115 abante.

Bunsod nito, nasungkit ng TNT ang kanilang ikaapat nilang sunod na panalo at solong pamumuno sa torneyo.

Namayani si Don Trollano sa KaTropa sa pamamagitan ng kanyang 19 puntos, anim na rebounds, at dalawang steals habang si McDaniels ay umiskor ng 29 puntos, 17 rebounds, anim na assists, at limang blocks.

Ito ang unang beses na nagawa ng KaTropa ang 4-0 panimula na huli nitong nairehistro sa pag-uumpisa ng 2016 Governors Cup.

Samantalang ang Columbian Dyip ay nalaglag naman sa 2-2 baraha.