-- Advertisements --

Nakuha ng TNT Tropang Giga ang kampeonato 2021 PBA Philippine Cup matapos ilampaso ang Magnolia Hotshots 94-79.

Ito ang unang pagkakataon na muling magkampeon ang TNT sa loob ng walong taon at ang pang-anim na titulo ng koponan sa buong prangkisa.

Huling nagkampeon kasi ang TNT ay noong 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo ng TNT ang rookie player na si Mikey Williams na mayroong 24 points, apat na rebounds at apat na assists habang mayroong 19 points, tatlong rebounds at dalawang assists ang naitala ni RR Pogoy.

Naging mabagal ang pagsisimula ng TNT sa laro dahil sa pagiging agresibo ng Magnolia.