-- Advertisements --

Nakaisa na rin sa wakas ng panalo ang TNT Tropang Giga matapos talunin sa Game 3 ang Barangay Ginebra, 88-67, na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya ang Giga na umabot pa sa 22 points ang kanilang kalamangan.

Sa Game 2 kasi, nawala na parang bula ang kanilang 15 point lead nang masilat sila ng Gins.

Todo kayod ang ginawa nina RR Pogoy, Troy Rosario at Jayson Castro upang hindi mameligro sa 0-3 deficit.

Aguilar Jason Castro
Gins Japeth Aguilar and TNT’s Jason Castro (PBA photo)

Sa ngayon nailapit na ng TNT sa 2-1 ang best-of-seven series sa PBA Philippine Cup Finals.

May pagkakataon pa ang TNT na maitabla ang serye sa Game 4 na gaganapin sa Linggo.

Nanguna sa opensa ng koponan si Pogoy na nagtala ng 18 puntos upang maibsan ang kakulangan ng team na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalaro ang star player nila na si Bobby Ray Parks Jr.

Si Rosario naman ang tinanghal na best player of the game na merong 15 points.

“Mahirap isipin 0-2 down kami kailangan fight to win at lumabas naman ito sa laro namin,” ani Rosario.

Sa kampo ng Ginebra nasayang ang diskarte nina LA Tenorio na may 19 points at ni Japeth Aguilar na nagkasya sa 15 ang naibuslo.

Habang si Stanley Pringle naman ay inalat makaraang malimitahan lamang sa 11 puntos.

Narito pa ang scores:

TNT 88 – Pogoy 18, Rosario 15, Castro 15, Enciso 14, Erram 12, Washington 9, Reyes 5, De Leon 0, Semerad 0, Montalbo 0, Vosotros 0, Flores 0

GINEBRA 67 – Tenorio 19, Aguilar 15, Pringle 11, Mariano 8, Thompson 8, Dela Cruz 3, Dillinger 2, Caperal 0, Chan 1, Devance 0, Balanza 0, Tolentino 0

Quarters: 21-26; 44-34; 66-56; 88-67