-- Advertisements --

Hawak na ngayon ng TNT ang unang panalo sa PBA 49th Season ng Governors’ Cup quarterfinals.

Ito ay matapos na talunin nila ang NLEX 107-102 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa panalo ng Tropag Giga si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 45 points, 10 rebounds at pitong assists para makuha ang unang panalo sa best-of-five series.

Nakapag-ambag naman ng 13 points si RR Pogoy, habang mayroong 12 points si Jayson Castro at 11 points naman kay Rey Nambatac.

Nasayang naman ang nagawang 38 points,12 rebounds ni DeQuan Jones at 10 points ni Robert Bolick ng NLEX.

Sinabi TNT coach Chot Reyes na hirap silang madepensahan sina Jones at Bolick subalit nagawan din nila ito sa huling bahagi ng laro.

Hawak pa ng NLEX ang kalamangan 80-75 ng mahabol ito ng TNT sa kanilang 11-0 run sa last quarter.