-- Advertisements --

Nakuha ng TNT Tropang Giga ang pang-limang sunod na panalo matapos na talunin nila ang NLEX 94-87 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nanguna sa panalo si Rondae Hollis-Jefferson na nagtla ng 23 points, 14 rebounds, pitong assists at tatlong blocks.

Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang TNT habang mayroong tatlong panalo at anim na talo naman ang NLEX.

Nasa pangalawang puwesto na ang TNT habang ang NLEX ay nasa pang-10 puwesto base na rin sa winning percentage.

Lumamang pa ng siyam na puntos ang NLEX 65-56 sa third quarter hanggang mahabol ito ng TNT at makuha ang 68-67 na kalamangan sa last quarter.

Hindi naman umubra ang nagawang 33 points, 20 rebounds na may apat na blocks at dalawang assists para sa NLEX.