-- Advertisements --

Nakamit ng TNT Tropang Giga ang kampeonato ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup matapos ilampaso ang Barangay Ginebra 87-83 sa overtime Game 7.

Itinuturing na naging bayani sa panalo ng TNT si Glenn Khobuntin na naipasok nito ang crucial na three points na may natitirang 2:22 na overtime para makuha nila ang 85-79 na kalamangan.

Umabot lamang sa overtime ang laro ng maipasok ni Justin Brownlee ng Ginebra ang kaniyang three-point sa natitirang 16.7 seconds ng last quarter.

Pagpasok ng extra time ay napanatili pa rin ng TNT ang kanilang composure kahit na may iniindang injury sa paglalaro ang kanilang import na si Rondae Hollis-Jefferson.

Ito na ang pang-11 PBA title ng TNT at pangalawa sa 49th season kung saan isang conference title na lamang ay makakamit na nila ang grand slam.