-- Advertisements --

Wala ng sinayang pa ang TNT Tropang Giga para tuluyang ilampaso ang Barangay Ginebra 95-85 at makuha ang dalawang sunod na PBA Governor’s Cup championship.

Naging susi sa panalo ng TNT ang import na si Rondae Hollis-Jefferson matapos na maipasok ang magkasunod na bola at makaabanse sila 89-85.

Nagtagumpay din ang ginawang pasa ni Jayson Castro kay Kelly Williams sa natitirang 1:20 minuto na natitira para makuha ang 4-2 na bentahe at pang-10th overall PBA title ng TNT.

Tinanghal naman bilang Finals Most Valuable Playersi Jayson Castro.