-- Advertisements --

Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang Meralco Bolts 108-99 para makuha ang solo lead sa Group A sa nagpapatuloy na 2024 PBA Governor’s Cup sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Mayroon na kasing anim na panalo at isang panalo ang TNT habang ang Bolts ay mayroong limang panalo at dalawang talo.

Tinanghal naman bilang Player of the Game si Calvin Oftana na nagtala ng 25 points, pitong rebounds at tatlong assists habang mayroong 22 points at siyam na rebounds si Rondae Hollis-Jefferson.

Humanga si TNT coach Chot Reyes sa mga ginawang pagsisikap ng kaniyang mga manlalaro para makuha ang solo na puwesto.

Nasayang naman ang ginawang 26 points at 11 rebounds ni Allen Durham at 23 points ni Chris Newsome para sa Bolts.