-- Advertisements --

Nakuha ng TNT Tropang Giga ang unang panalo 104-88 laban sa Barangay Ginebra sa kanilang best-of-seven finals ng PBA Governors’ Cup.

Sa simula pa lamang ay urmarangkada na ang agad ang TNT sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.

Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na ang naging sekreto nila ay ang matinding depensa nila.

Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na mayroong 19 points habang mayroong 18 points si Rey Nambatac, 15 points kay Poy Erram at 14 points ang naitala ni Jayson Castro.

Nalimitahan lamang sa 23 points si Justin Brownlee at 14 points naman si Japeth Aguilar.