-- Advertisements --
Nakuha ng TNT Tropang Giga ang unang panalo sa best of seven PBA Season 49 Commissioner’s Cup finals nila ng Barangay Ginebra 95-89.
Bumida sa panalo ng TNT si Rondae Holis-Jefferson na nagtala ng 34 points sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Habang mayroong 15 points naman si RR Pogoy habang mayroong 10 points si Calvin Oftana.
Hindi naman umubra ang nagawang 17 points, 13 rebounds at pitong assists ni Justin Brownlee habang mayroong 13 points si RJ Abarrientos para sa Ginebra.