-- Advertisements --

Lumapit na ang tsansa ng TNT Tropang Giga na makapasok sa finals ng 2024 PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Rain or Shine 81-79 para makuha ang 3-1 na kalamangan sa best of seven semifinals sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nagtabla sa 79 ang laro ng maipasok ni import Rondae Hollis-Jefferson ang kaniyang dunk at nakuha ang kalamangan.

Sinabukan nina Elasto Painters Andrei Caracut at Gian Mamuyac na maitabla o maipanalo ang laro subalit sila ay nabigo.

Nagtala ng 23 points , 19 rebounds, limang assists, limang steals at limang blocks si Hollis-Jefferson habang mayroong tig-15 points sina Rey Nambatac at Calvin Oftana.