-- Advertisements --
Nalusutan ng TNT ang Meralco Bolts 101-99 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Commissioner’s Cup na ginanap sa Philsport Arena.
Naging susi sa panalo ng TNT ang naipasok na dalawang free-throw sa natitirang 10 segundo ni Rondae Hollis-Jefferson.
Nahabol pa ng TNT ang kalamangan ng Bolts kung saan umabot ito sa 23 points at naitala ang tatlong sunod na panalo.
Nagtala ng 24 points at 13 rebounds si Hollis-Jefferson habang mayroong 24 points din si Calvin Oftana.