-- Advertisements --

Nilampaso ng TNT Tropang Giga ang Magnolia Hotshots 93-85 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Binuhat ni Roger Pogoy ang koponan na mayroong 20 points.

Mayroon namang tig- 14 points sina Jalen Hudson, Mikee Williams at Calvin Oftana habang mayroong 11 points si Kelly Williams at siyam na puntos si Jayson Castro.

Sinabi ni TNT coach Jojo Lastimosa na gumana ang ipinatupad nilang play para tuluyang magwagi sa laro.

Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang TNT habang ang Magnolia ay wala pang panalo na mayroong dalawang talo.