-- Advertisements --
TNT KATROPA
Tnt Ka Tropa

Pasok na sa semifinals ng PBA Governors’ Cup ang TNT KaTropa matapos talunin ang Magnolia 98-97.

Naging susi sa panalo ng TNT ang dalawang free throws na naipasok ni Bobby Ray Parks sa huling pitong segundo ng laro.

Hawak pa ng Magnolia ang kalamangan kung saan umabot pa sa 18 points ito.

Nanguna sa panalo si Jayson Castro na nagtala ng 30 points habang mayroong 25 points si KJ McDaniels.

Tinawag naman ni TNT coach Bong Ravena ang kanilang panalo na suwertre dahil hindi niya inasahan na makakabalik pa sila.

Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Romeo Travis ng Magnolia.