-- Advertisements --

Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang Rain or Shine 88-84 para makuha ang unang panalo sa best-of-seven PBA Season 49 Commissioner’s Cup.

Nanguna sa panalo ng TNT si Jayson Castro na nagtala ng 24 points habang mayroong 23 points si import Rondae Hollis-Jefferson at 22 points naman si Calvin Oftana sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Mula sa unang quarter ay hindi makalayo ang TNT kung saan pinlit ng Rain or Shine na mapalayo ang kalamangan.

Sinabi naman ni TNT coach Chot Reyes na naging mahina ang shooting ni Rondae kaya labis siyang nagpasalamat at pumalit si Castro para mawala ang atensyon ng Rain or Shine sa depensa.

Hindi naman umubra ang nagawang 29 points at 16 rebounds ni Deon Thompson at 18 points, 11 rebounds ni Adrian Nocum para sa Painters.