Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang Rain or Shine 93-91 para makamit ang 2-0 na kalamangan sa best-of-seven semifinals ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup sa Philsport Arena.
Sinamantala ng TNT ang paglabas sa playing court ni Rondae Hollis-Jefferson matapos na ma-fouled out at Jayson Castrona nagtamo ng injury.
May tsansa pa sanang maitabla ng Rain or Shine ang laro subalit bigong maipasok ni Adrian Nocum ang bola sa huling segundo ng laro.
Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na naging matindi ang ipimalas nilang depensa kaya nakuha ang panalo.
Nanguna sa panalo ng TNT si Poy Erram na nagtala ng 11 points, pitong rebounds at dalawang blocks habang mayroong tig-10 points sina RR Pogoy at Kim Aurin.
Hindi naman umubra ang nagawang 22 points at 14 rebounds ni Deon Thompson para sa Rain or Shine.