-- Advertisements --
TNT
TNT/ PBA Image

Nalusutan ng TNT KaTropa ang San Miguel Beermen 114-109 para makuha ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup.

Naging bayani panalo ng TNT si KJ McDaniels na nagtala ng 44 points habang mayroong 30 points si Troy Rosario at 17 points naman ang nagawa ni Roger Pogoy.

Itinuturin nama ni TNT coach Bong Ravena na mahalaga ang panalo dahil sa galing sila sa tatlong sunod na pagkatalo.

Isa rin aniyang naging susi ay ang pagbabalik sa paglalaro ni Jayson Castro.

Makakaharap ng TNT ang Magnolia sa quarterfinals.