-- Advertisements --

Hawak na ngayon ng TNT Tropang Giga ang unang puwesto sa Group A ng 2024 PBA Governor’s Cup.

Ito ay matapos na talunin ang NorthPort 99-79 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Pumalo pa sa 34 points ang kalamangan ng Tropang GIGA sa final quarter para baligtarin ang dikitang laban sa unang tatlong quarters.

Ayon kay TNT coach Chot Reyes na nagkaroon ng malaking improvements ang kaniyang koponan sa opensa.

Nanguna sa panalo ng TNT si Poy Erram na nagtala ng 17 points at 13 rebounds habang mayroong 15 points at 11 rebounds si Rey Nambatac.

Mayroon ng walong panalo at dalawang talo ang TNT habang ang Batang Pier ay nagtapos sa pitong panalo at tatlong talo.