-- Advertisements --

Nilampaso ng TNT Tropang Giga ang Rain or Shine 116-99 para makuha ang unang panalo ng kanilang PBA Philippine Cup Quarterfinals.

Sa unang quarter pa lamang ay umarangkada na agad ang Tropang Giga ang Elasto Painters 23-8.

Naging bida sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 32 points habang mayroong 26 points si Roger Pogoy.

Pinuri naman ni TNT coach Chot Reyes ang kaniyang manlalaro dahil sa nahigitan nila ang Rain or Shine.

Dagdag pa nito na kanilang paghahandaan ang Game 2 dahil tiyak na babawi ang Rain or Shine.