-- Advertisements --

Pinauwi na ng TNT Tropang Giga ang guest team na Eastern Hong Kong 109-93.

Dahil sa panalo ay nag-martsa na ang TNT sa semifinals ng PBA Commissioners cup sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Lungsod ng Maynila.

Pinangunahan ni Rondae Hollis-Jefferson ang Tropang Giga na mayroong 31 points, 15 rebounds, apat na assists at tatlong steals.

Habang mayroong 18 points, apat na rebounds si Rey Nambatac at 15 points naman si Poy Erram.

Nagtabla pa sa 70-all ang laro sa third quarter hanggang tuluyang nakaabanse ang TNT at nakuha ang kalamangan.

Hindi naman umubra ang 24 points ni Hayden Blankley at 16 points, walong rebounds naman ni Cameron Clark para sa Eastern.