Pasok na sa finals ng PBA Commissioner’s Cup ang TNT KaTropa matapos idispatsa ang Barangay Ginebra 103-92.
Hindi na pinayagan ng KaTropa pa na maitabla pa ng Gins sa 2-2 ang best of five semifinals nila at tinapos ang serye sa 3-1.
Bumida sa panalo ng TNT si Terrence Jones na nagtala ng 24 points, 13 rebounds at 10 assists.
Tumulong din sa panalo sa koponan sina Troy Rosario na mayroong 22 points at Jayson Castro na mayroong 20 points.
Itinuturing naman ni TNT coach Bong Ravena na sinuwerte lamang sila sa nasabing laban.
Pinaghahandaan naman nila ang sinumang manalo sa pagitan ng Rain or Shine at San Miguel Beermen para sa finals.
Nasayang naman ang nagawang 27 points at nine rebounds ni Justin Brownlee ganun din kay Japeth Aguilar na mayroong 27 points para madala sa panalo ang Ginebra.