Pasok na sa finals ng PBA Commissioner’s Cup ang TNT Tropang Giga matapos na idispatsa nila ang Rain or Shine 97-92 sa laro na ginanap sa Araneeta Coliseum.
Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 42 points para tuluyang tapusin ang best-of-seven semifinals at makuna ang 4-1.
Mayroon namang tig-12 points sina Rey Nambatac at Calvin Oftana.
Hawak pa ng Rain or Shine ang kalamangan 59-46 sa third quarter hanggang umarangkada si Hollis-Jefferson pagpasok ng last quarter.
Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na ipinakita lamang ng kaniyang mga manlalaro ang puso ng pagiging kampeonato.
Nasayang naman ang nagawang 34 points at anim na rebounds ni Deon Thompson habang si Adrian Nocum ay mayroong 13 points, anim na rebounds at pitong assists.