-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PBA Governors Cup ang TNT Tropang Giga matapos tambakan nila ang NLEX 125-96.

Bumida sa panalo si import Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 35 points at 11 rebounds habang mayroong 19 points si Rey Nambatac at 18 points kay RR Pogoy sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Mula sa simula ay umarangkada na ang TNT at hindi na pinalamang pa ang NLEX at naisara ang 3-1 sa best of five quarterfinals.

Susunod na makakaharap nila ang sinumang manalo sa pagitan ng Magnolia at Rain or Shine na nagtabla sa 2-2 ang kanilang serye.