-- Advertisements --

Pinahiya ng TNT Tropang Giga ang Rain or Shine para makuha ang unang panalo sa best of seven semifinal 90-81 sa PBA 49th Season Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson
na nagtala ng 26 points.

Sinabi ni TNT head coach Chot Reyes na hindi nila hinayaan na sayangin ng Rain or Shine ang kanilang pagsisikap.

Pinuri nito ang kaniyang mga manlalaro dahil sa dinoble ang sikap para hindi makalamang pa ang Rain or Shine.