-- Advertisements --

Pinahiya ng TNT Tropang Giga ang San Miguel Beermen, 89-88, para makuha ang unang panalo sa Game 1 sa semifinals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Naging bida sa panalo ng TNT si RR Pogoy na nagtala ng 23 points sa laro na ginanap sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Napigilan din ni Pogoy ang drive ni Marcio Lassiter sa huling segundo ng laro.

Hawak ng TNT ang kalamangan mula sa unang quarter hanggang sa humabol ang Beermen at naidikit ang laban.

Hindi naman makapaniwala si TNT coach Chot Reyes na naipanalo nila ang laro dahil sa ipinamalas na matinding depensa ng Beermen.