-- Advertisements --
Pinatikim na ng TNT Tropang Giga ang Converge FiberXers ng kanilang unang talo 128-122 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Nanguna sa panalo ng TNT ang kanilang import na si Jalen Hudson na nagtala ng 56 points.
Ito ang unang talo ng Converge na mayroon na sila ngayong apat na panalo .
Nagdagdag naman ng 19 points si Mikey Williams habang mayroong 18 points at limang rebounds si RR Pogoy habang mayroong 12 points at apat na rebounds si Paul Varilla.