-- Advertisements --
Pinigilan pa ng TNT Tropang Giga ang ang Barangay Ginebra para makuha nila ang kampeonato ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup Finals.
Ito ay matapos na makuha nila ng panalo 87-83 at ma-puwersa sa Game 7 ang finals na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na mayroong 23 points, 13 rebounds, anim na assists at tatlong steals. habang mayroong 23 points si Rey Nambatac.
Ikinatuwa naman ni TNT head coach Chot Reyes ang naging pagpursige ng kaniyang mga manlalaro para tuluyang maipanalo ang Game 6.
Nasayang naman ang nagawang 22 points at pitong rebounds ni Justin Brownlee para sa Ginebra.