-- Advertisements --

Itinuturing ni TNT coach Bong Ravena na sinuwerte sila sa panalo kontra San Miguel Beermen, 93-88, para madala sa Game 3 ang PBA Philippine Cup quarterfinals.

TNT KATROPA/ FB POST

Nagsanib puwersa sina Troy Rosario at Jayson Castro para lusutan ang Beermen.

Naipasok kasi ni Rosario ang three-points nito para makalayo sa 86- all habang naipasok naman ni Castro ang kaniyang drive.

Nanguna sa scoring ng TNT si RR Pogoy na nagtala ng 20 points habang mayroong 19 points si Jayson at 15 points naman ang naitala ni Rosario.

Gagawin naman ang next game ng dalawang koponan sa Miyerkules.