-- Advertisements --

Inalok na ng kasal ni TNT star Roger Pogoy ang kna iyang kasintahang si Love Portes.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan nilang dalawa na suot ni Portes ang engagement ring.

Tiniyak ng 28-anyos na si Pogoy na ilaan ang libreng panahon habang hindi pa nagsisimula ang training ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Magugunitang isa si Pogoy sa naging susi para makapasok ang TNT sa finals ng PBA Philippine Cup noong nakaraang buwan.