-- Advertisements --

Tinambakan ng TNT Tropang Giga ang San Miguel Beermen 107-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Nanguna si Poy Erram na nagtala ng 27 points habang mayroong 22 points si Ray Parks at 16 points si Troy Rosario.

Sa simula pa lang ay hindi na pinaporma ng TNT ang Beermen.

Nangangamba rin ang Beermen na baka hindi makapaglaro ng matagal si Terrence Romeo na itinakbo sa pagamutan matapos ang makabangga si Ryan Reyes kung saan nasaktan ang kaniyang balikat.