-- Advertisements --
Tinambakan ng TNT Tropang Giga ang Barangay Ginebra 99-72 para makuha ang 3-2 na kalamangan sa best-of-seven PBA Governors Cup Finals.
Mula sa first quarter ay hindi na hinayaan ng TNT na makalamang pa ang Gins sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Tinanghal na player of the game si Calvin Oftana na nagtala ng 15 points at walong rebounds.
Labis naman ang pasasalamat ni TNT head coach Chot Reyes dahil sa gumana na ang kanilang depensa.
Mas paghahanda pa nila ang Game 6 dahil sa hindi nila minamaliit ang kakayahan ng Ginebra at tiyak na gaganti ang mga ito